Mainit na naman ang eksena sa politika matapos ianunsyo na iimbitahan bilang resource person si Quezon City 1st District Rep. Arjo Atayde sa pagdinig ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) tungkol sa mga kuwestiyonableng flood control projects.
"Handa na akong linisin ang pangalan ko" -Rep. Arjo Atayde
Handang humarap sa imbestigasyon si Rep. Arjo Atayde kasama ring nakatakdang humarap si Caloocan City Rep. Dean Asistio sa Martes, Nobyembre 25. Gayunman, pareho silang humiling na ang kanilang testimonya ay isagawa sa executive session ibig sabihin, sarado sa publiko at hindi maaaring ilivestream.
Nasangkot ang dalawang kongresista matapos pangalanan ng mga kontraktorang sina Curlee at Sarah Discaya, na nagbunyag na tumanggap umano ang ilang mambabatas including Atayde, Asistio, at iba pang personalidad ng kickbacks mula sa mga flood control project na pinagdududahan ang legalidad at kalidad.
Sa harap ng lumalaking usapin, nananatiling nakatutok ang masa sa magiging galaw nina Atayde at Asistio at kung ano ang kanilang sasabihin sa ICI, publiko man o closed-door.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento