Umani ng matinding ingay sa publiko ang naging pahayag ni Vice President Sara Duterte matapos niyang diretsahang sabihin na walang direksyon ang pamamalakad ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Sa isang panayam kaninang umaga, walang paligoy-ligoy na inilahad ni Duterte ang kanyang saloobin tungkol sa pamumuno ni PBBM, partikular sa kakulangan umano nito sa pagbibigay ng malinaw na utos o command. Ayon sa kanya, isa ito sa pangunahing dahilan kung bakit nagmumukhang magulo at walang tutunguhan ang ilang programa ng gobyerno.
“I swear to God, he doesn’t command and doesn’t ask. He doesn’t care at all” - VP Sara
Dagdag pa niya, lahat ng programang ipinatupad niya noong pinamumunuan pa niya ang Department of Education (DepEd) ay sarili niyang inisyatiba wala raw utos, gabay, o instruction na nagmula sa Pangulo.
Hindi rin aniya lingid sa publiko ang mga patutsada at pag-atake ng ilang kaalyado ni Marcos Jr. na “halos araw-araw” niyang natatanggap noon. Dahil dito, napuno na raw siya at tuluyang nagbitiw sa gabinete.
Sa matapang na pahayag ni Vice President Sara Duterte, muling nabuhay ang usapin tungkol sa sigalot sa pagitan niya at ng kampo ni Pangulong Marcos Jr. Ang kanyang diretsahang pagkwestyon sa pamumuno ni PBBM ay nagdulot ng panibagong tensyon sa politika.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento