Advertisement

Responsive Advertisement

"HUWAG SIYANG MATAKOT, MATAGAL NANG BUKAS ANG PINTO NG OMBUDSMAN" OMBUDSMAN REMULLA HANDANG BIGYAN NG PROTEKSYON SI ZALDY CO

Sabado, Nobyembre 15, 2025

 



Naglabas ng pahayag ang Office of the Ombudsman kaugnay ng mga isiniwalat ni dating Ako Bicol Representative Zaldy Co hinggil sa umano’y ₱100-bilyong budget insertion scandal na kinasasangkutan ng ilang mataas na opisyal ng gobyerno.


Ayon sa Ombudsman, matagal nang bukas ang kanilang tanggapan para kay Zaldy at handa silang magbigay ng proteksyon kung ang dahilan ng kanyang pag-iwas ay dahil sa pangamba sa kanyang kaligtasan.


“Matagal nang bukas ang pinto ng Ombudsman sa kanya. Matagal na rin naming hinihiling na ipresenta niya ang kanyang ebidensya nang maayos. Kung ang dahilan ng pag-iwas ay takot, malinaw naming sinasabi: handa po kaming magbigay ng proteksyon.


Ang kaligtasan ng isang testigo ay mahalaga sa katotohanan na hinahanap.” -Office of the Ombudsman


Kasunod ng mga video revelations ni Zaldy Co na nagsiwalat ng umano’y pagkakasangkot nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at dating House Speaker Martin Romualdez, sinabi ng Ombudsman na handa silang tumanggap ng anumang ebidensya o dokumentong magpapatunay sa mga alegasyon.


Dagdag ng ahensya, hindi raw sapat ang mga viral videos o social media posts bilang opisyal na batayan sa isang kaso; kailangan pa rin ang pormal na pagsusumite ng ebidensya sa ilalim ng panunumpa.


Pinag-aaralan ngayon ng Ombudsman ang posibilidad na maisailalim si Zaldy Co sa Witness Protection Program (WPP) kung tuluyang magtutungo siya sa kanilang tanggapan upang magpaliwanag at magsumite ng ebidensya.


Ang pahayag ng Office of the Ombudsman ay malinaw na mensahe na ang gobyerno ay handang makinig at kumilos kung may konkretong ebidensya laban sa katiwalian.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento