Naglabas ng matapang at kontrobersyal na pahayag si Congressman Kiko Barzaga ng ika-4 na distrito ng Cavite laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa gitna ng mainit na isyu ng umano’y ₱100-bilyong budget insertion scandal.
Sa isang matalim na mensahe, sinabi ni Barzaga:
“Either Marcos removes me from Congress or I remove him from Malacañang. There is no in between. It will all end this month!” - Rep. Kiko Barzaga
Ang pahayag na ito ay itinuturing ng marami bilang isa sa pinakamatapang na hamon laban sa kasalukuyang administrasyon.
Ayon kay Barzaga, hindi na siya mananahimik sa gitna ng sunod-sunod na alegasyon ng korapsyon na lumulutang laban sa administrasyon. Sinabi niyang oras na para magkaroon ng pananagutan sa mga nasa posisyon, lalo na matapos pumutok ang mga rebelasyon ni dating Ako Bicol Representative Zaldy Co tungkol sa umano’y utos ng Pangulo at ni dating Speaker Martin Romualdez sa bilyon-bilyong budget insertion.
Ang kanyang pahayag ay tila isang ultimatum malinaw niyang sinabing kung hindi kikilos ang Malacañang, siya mismo ang kikilos upang ipanawagan ang pagkilos ng Kongreso at mamamayan laban sa katiwalian.
Ayon sa ilang political analysts, ang pahayag ni Barzaga ay maaaring magbunsod ng panibagong hidwaan sa loob ng Kongreso, lalo na’t may mga kapwa mambabatas siyang kilalang kaalyado ni Romualdez.
Gayunpaman, marami rin ang naniniwalang ito ang simula ng pagbubunyag ng mas malalaking katiwalian sa loob ng pamahalaan. Ang matapang na pahayag ni Congressman Kiko Barzaga ay nagbukas ng bagong yugto sa lumalalang krisis sa politika ng bansa.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento