Advertisement

Responsive Advertisement

"HINDI ITO MAGANDANG ASAL PARA SA ISANG BISITA" NEGROS ORIENTAL IDINEKLARANG PERSONA NON GRATA SI PHILIPPINE LOOPER FERDINAND DELA MERCED

Martes, Nobyembre 11, 2025

 


Sa gitna ng kontrobersiya sa social media, idinagdag ng Sangguniang Panlalawigan ng Negros Oriental sa kanilang listahan ng mga hindi kanais-nais na bisita si Ferdinand Dela Merced, mas kilala bilang “Philippine Looper”, matapos maglabas ito ng mga pahayag na itinuturing na bastos at walang respeto sa mga lokal na opisyal at residente ng probinsya.


Ang deklarasyon ay pormal na inaprubahan sa regular session noong Nobyembre 10, sa pangunguna ni Vice Governor Fritz Diaz, batay sa mungkahi ni Board Member Erwin Macias.


Sa kasagsagan ng Bagyong Tino, nag-post si Dela Merced sa social media na tila binatikos ang mga lokal na opisyal ng Negros Oriental, matapos umanong hindi siya agad mapansin o maasikaso sa kanyang pagbisita noong Nobyembre 1.


Ayon sa kanyang post, “Kalamidad lang yan, taon-taon nating na-eexperience yan. Pero nung bumisita ako sa inyo, halos walang nakipag-coordinate. Nakaka-disappoint.”


Marami ang nainis sa kanyang pahayag, lalo na’t abala ang mga opisyal ng LGU sa disaster response at paghahanda sa bagyo nang siya ay dumating.


Ayon kay Board Member Macias, hindi patas ang mga sinabi ni Dela Merced at tila minamaliit ang mga pagsisikap ng lokal na pamahalaan.


“Habang nagtatrabaho ang aming mga opisyal at volunteers sa gitna ng unos, siya naman ay nagrereklamo sa social media. Hindi ito naaayon sa kagandahang-asal na dapat taglayin ng isang bisita” - Board Member Erwin Macias


Ayon sa opisyal na resolusyon, ang mga pahayag ni Dela Merced ay nagdulot ng galit sa publiko at nakasira sa imahe ng Negros Oriental bilang isang mapayapa at magalang na probinsya. Binanggit din sa dokumento na si Dela Merced ay binigyan pa ng libreng tuluyan sa Provincial Convention Center sa tulong ng lokal na pamahalaan, kaya’t lalo raw nakadagdag sa kabastusan ang kanyang ginawa.


“Kung may reklamo siya, sana ay idinaan niya sa tamang paraan, hindi sa social media kung saan nadungisan ang pangalan ng aming probinsya,” -Vice Governor Fritz Diaz


Ang “persona non grata” declaration ay nangangahulugang hindi na tatanggapin o papayagang bumisita si Dela Merced sa alinmang opisyal na programa o aktibidad ng lalawigan.


Ang kaso ni Ferdinand Dela Merced ay nagsilbing paalala sa lahat ang social media ay may kapangyarihang magtayo o magpabagsak ng reputasyon. Sa panahon ng krisis, ang mga salita ay dapat gamitin sa pagpapakita ng empatiya, hindi pangungutya

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento