Sa gitna ng mga hamon at kritisismo sa kanyang administrasyon, ipinahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hindi siya nakakaramdam ng pagod sa kabila ng kanyang mabigat na tungkulin bilang pinuno ng bansa.
Ayon sa kanya, bagama’t maraming responsibilidad at desisyong kailangang pagtuunan, nananatili siyang motivated at determinado sa kanyang trabaho.
“No matter how heavy the loads that we feel sometimes in the work that we do, hindi ako 'yan ah. 'Yung mga Cabinet secretary may mga sila ganyan, ako wala akong nararamdaman na ganun. I don't know what they're talking about when they tell me about it,” ani Marcos.
Inamin ng Pangulo na halos wala na siyang panahon para magpahinga, ngunit ayon sa kanya, ito ay bahagi ng kanyang panata sa serbisyo publiko. Sa kabila ng mahahabang araw ng trabaho, pagpupulong, at pagbisita sa iba’t ibang probinsya, hindi umano siya nagrereklamo, bagkus ay mas lalo siyang ginaganahang magtrabaho para sa kapakanan ng mga Pilipino.
Ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay nagpapakita ng malalim na dedikasyon sa kanyang tungkulin bilang pinuno ng bansa. Habang ang iba ay nakararamdam ng pagod at panghihina, ang Pangulo ay patuloy na nagpupunyagi para sa layunin ng Bagong Pilipinas, isang gobyernong masipag, matatag, at tapat sa serbisyo.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento