Advertisement

Responsive Advertisement

"PINAPAHIYA MO PAMILYA NATIN" SANDRO MARCOS MARIING ITINANGGI ANG PARATANG NI SEN. IMEE SA KANYANG AMA NA SI PANGULONG MARCOS

Martes, Nobyembre 18, 2025

 



Mariing itinanggi ni House Majority Leader at Ilocos Norte 1st District Representative Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos ang mabibigat na akusasyon ng kanyang tiyahin, Senadora Imee Marcos, kaugnay ng umano’y paggamit ng ilegal na droga ng kanilang pamilya kabilang na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at maging siya mismo.


Sa isang opisyal na pahayag nitong Martes, ipinahayag ni Sandro ang kanyang pagkadismaya at sama ng loob sa pahayag ng kanyang tiyahin na aniya ay “wala sa lugar” at “mapanira.”


“It pains me to see how low she has gone to the point that she resorts to a web of lies aimed at destabilizing this government to advance her own political ambitions, Napakasakit sa akin na siraan mo aking ama sa publiko, Pinapahiya mo pamilya natin -Sandro Marcos


Dagdag pa ng batang Marcos, malinaw na walang basehan ang mga ibinabato ni Senadora Imee laban sa kanilang pamilya.


“Sa lahat po ng binanggit ni senadora, walang basehan, walang katotohanan, at walang magandang idudulot sa bayan.”


Ayon kay Sandro, masakit para sa kanya na marinig mismo sa sariling dugo ang mga ganitong paratang, lalo na’t ito ay ipinahayag sa harap ng publiko. Aniya, kung may hindi pagkakaunawaan man sa loob ng pamilya, dapat itong ayusin nang pribado at hindi ginagawang pambansang isyu.


Ipinunto rin ng kongresista na habang patuloy ang gobyerno sa pagsugpo sa korapsyon at pagpapabuti ng ekonomiya, ang ganitong mga isyu ay nagpapahina lamang sa tiwala ng taumbayan sa mga opisyal ng pamahalaan.


Hindi na bago sa publiko ang mga isyung kinasasangkutan ng pamilya Marcos, ngunit ayon sa mga political analysts, ito na ang isa sa pinakamalaking intriga sa pagitan ng magkakapamilya. Ang umano’y pag-amin ni Senadora Imee sa “droga issue” ni Pangulong Marcos ay nagbunsod ng galit mula sa mga tagasuporta ng administrasyon.


Ang banggaan sa pagitan nina Senadora Imee Marcos at Sandro Marcos ay nagbubukas ng bagong kabanata sa loob ng pamilyang matagal nang sentro ng politika sa bansa.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento