Nagbigay ng matapang na pahayag si Palace Press Officer Usec. Claire Castro matapos hamunin ni Vice President Sara Duterte si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magpa-drug test.
Ayon kay Castro, tila nakalimutan ni Duterte ang naging paninindigan ng kanyang ama, dating Pangulong Rodrigo Duterte, na tumangging magpa-drug test noong siya ay nasa puwesto pa.
“Bago mo utusan ang iba, inutusan mo ba tatay mo mag pa drug test?” - Usec. Claire Castro
Binigyang-diin ni Castro na hindi dapat magkaroon ng doble-standard sa paghingi ng accountability. Aniya, kung ang dating administrasyon ay ginagalang noon ang desisyon ng Pangulo na huwag magpa-drug test, dapat din itong igalang ngayon kay Pangulong Marcos.
Inungkat pa ni Castro ang dating pahayag ni Atty. Harry Roque, na nagsilbing tagapagsalita ni dating Pangulong Duterte. Ayon kay Roque, hindi kailanman puwedeng pilitin ang isang Pangulo na sumailalim sa drug test, dahil ito ay labag sa prinsipyo ng executive independence.
Ang sagutan nina VP Sara Duterte at Usec. Claire Castro ay muling nagbukas ng usapin tungkol sa accountability at respeto sa executive office. Habang nananawagan si Duterte ng drug test para kay Pangulong Marcos, iginiit naman ni Castro na ang tunay na lider ay sinusukat hindi lang sa pagsailalim sa test, kundi sa konsistensiya ng kanyang prinsipyo.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento