Ibinahagi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang magandang balita tungkol sa progreso ng operasyon laban sa mga tiwaling opisyal na sangkot sa flood control anomaly. Ayon sa Pangulo, pito na sa mga may warrant of arrest ay nasa kustodiya na ng mga awtoridad, dalawa pa ang nakahandang sumuko, habang pito pa ang nananatiling at large kabilang si dating Ako-Bicol Party-list Rep. Zaldy Co.
“Babawiin natin ang tiwala ng taumbayan, papunta napo tayo sa bagong Pilipinas. Pito na sa mga may warrant of arrest kaugnay ng flood control anomaly ang nasa kustodiya na ng ating mga awtoridad.” -Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Mariin ding nanawagan ang Pangulo sa mga natitirang akusado na sumuko na sa pinakamalapit na tanggapan ng pamahalaan at harapin ang mga kaso. Binigyang-diin niya na ang pagtakas ay hindi solusyon, at lahat ng tumutulong magtago sa mga akusado ay may pananagutan din sa batas.
Ang pahayag ni Pangulong Marcos Jr. ay nagpapakita ng malinaw na direksyon tungo sa transparency at pananagutan sa pamahalaan. Habang unti-unti nang napapanagot ang mga sangkot sa flood control anomaly, nananatiling hamon sa administrasyon ang pagtitiyak na tuloy-tuloy ang reporma laban sa korapsyon.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento