Sa gitna ng mga selebrasyon ng Christmas lighting event sa Malacañang, hindi napigilan ni Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga ang magpahayag ng pagkadismaya sa tila hindi maipaliwanag na asal ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
“Christmas lighting ngayon, pero mamaya iba na naman ang sisindihan” -Rep. Kiko Barzaga
Ayon sa kongresista, hindi ito basta biro, kundi patama sa mga kumakalat na alegasyon hinggil sa pagkalulong umano ng Pangulo sa ipinagbabawal na gamot.
Muling naging sentro ng usapan ang isyu ng umano’y drug use ni Pangulong Marcos, matapos ilang opisyal ng oposisyon at maging ilang kaalyado ay nagsimulang magpahayag ng pagdududa sa kanyang kalusugang pisikal at mental. Bagama’t walang pormal na ebidensyang inilalabas, sinabi ni Barzaga na dapat harapin ng Pangulo ang usapin nang harapan kung nais niyang ibalik ang tiwala ng publiko.
Binigyang-diin pa ni Barzaga na sa panahon ngayon, ang liderato ay hindi nasusukat sa mga selebrasyon o retorika, kundi sa katapatan at malinaw na pamantayan ng pamumuno.
Sa pahayag ni Cong. Kiko Barzaga, muling nabuksan ang diskusyon tungkol sa responsibilidad ng isang lider na maging mabuting ehemplo sa publiko. Habang nananatiling tahimik ang Malacañang sa isyu, patuloy namang hinihiling ng taumbayan ang katapatan, malinaw na pamumuno, at hustisya sa gitna ng mga alegasyon.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento