Sa gitna ng mabilis na takbo ng buhay at pagbabago ng mga relasyon, isang makabuluhang mensahe ang ibinahagi ng aktres na si Kiray Celis tungkol sa importansya ng pagpuputol ng koneksyon sa mga taong hindi na nakakatulong sa ating pag-unlad.
Sa isang emosyonal ngunit empowering na pahayag, ibinahagi ni Kiray ang kanyang personal na realizations:
“Nagka-cut off na 'ko nang walang emosyon at hindi ko na iniisip kahit ano pang pinagsamahan ang meron tayo. Tumatanda na tayo para bigyang oras pa ang mga hindi naman nakakatulong sa buhay natin,” saad ni Kiray.
Ayon kay Kiray, hindi kailangang manatili sa buhay natin ang mga taong hindi na nakakatulong sa ating mental health, kaligayahan, at pag-unlad. Isa umano sa pinakamahalagang leksyon na natutunan niya habang tumatanda ay ang pagpapahalaga sa sariling kapayapaan at emosyonal na kalayaan.
“Okay na ‘yung naging mabait at matulungin ka sa kanila pero ‘wag na ‘wag papaubuso. ‘Wag ka matakot mag-cut off,” dagdag pa niya.
Ang mensahe ni Kiray Celis ay isang makapangyarihang paalala na ang buhay ay hindi tungkol sa dami ng taong kasama mo, kundi sa kalidad ng mga taong nakapaligid sa’yo. Ang pagputol ng koneksyon sa mga hindi na nakakabuti sa atin ay hindi kahinaan — ito ay isang anyo ng lakas at pagmamahal sa sarili.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento