Sa isang simpleng silid-aralan, isang kuwento ng kabutihan, sakripisyo, at pagmamahal sa edukasyon ang nagpaluha sa puso ng maraming netizens. Habang nagtuturo si Teacher Ryan James DueƱas, napansin niya ang isang batang nahihiyang pumasok sa klase dahil sa kanyang pagka-late. Sa halip na pagalitan, agad niya itong tinawag papasok sa silid-aralan upang hindi masayang ang araw nito.
Habang nasa klase, may kinuha si Manuel mula sa kanyang lumang bag isang piling ng saging. Ibinigay niya ito kay Teacher Ryan bilang munting handog. Ayon sa guro, labis siyang naantig sapagkat maaaring ibenta sana ng pamilya ni Manuel ang saging upang makabili ng tsinelas o pagkain, ngunit mas pinili nitong ipagkaloob ito bilang pasasalamat sa kanyang g
“Hindi ko mapigilang maluha. Sa simpleng paraan niya, ipinakita niya ang labis na pagpapahalaga sa akin bilang guro,” ani Teacher Ryan.
Ang batang ito ay si Manuel, isang mag-aaral na araw-araw lumalakad nang higit isang oras mula sa kanilang bahay papunta sa paaralan at higit pa rito, wala pa siyang suot na tsinelas. Sa kabila ng pagod at kahirapan, pinili pa rin niyang pumasok dahil naniniwala siyang ang edukasyon ay susi sa pagbabago ng kanilang buhay.
uro.
Bilang tugon sa kabutihang ipinakita ng bata, binigyan ni Teacher Ryan si Manuel ng isang bagong pares ng sapatos upang hindi na ito mahirapan sa paglalakad papasok sa paaralan araw-araw. Ayon kay Teacher Ryan, ito ang kanyang munting paraan para masuklian ang pagsisikap ng kanyang estudyante.
Ang simpleng pangyayaring ito ay nagpaalala sa atin na ang kabutihan ay hindi nasusukat sa laki ng halaga kundi sa sinseridad ng puso. Sa isang piling ng saging, nakita ni Teacher Ryan ang malaking sakripisyo at pagmamahal ng isang batang may pangarap. At sa isang pares ng sapatos, ipinakita niyang ang kabutihan ay dapat ibinabalik at pinapalago.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento