Advertisement

Responsive Advertisement

MARCOS APPOINTS BOYING REMULLA AS NEW OMBUDSMAN — HUSTISYA O COVER-UP PARA SA MGA KORAP?

Martes, Oktubre 7, 2025

 



Matapos ang ilang linggong paghihintay, itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla bilang bagong Ombudsman nitong Oktubre 7, 2025, kapalit ni dating Ombudsman Samuel Martires na nagretiro noong Hulyo 27.


“Ang Ombudsman ay hindi dapat maging kasangkapan ng sinuman kundi ng batas. Ako ay narito upang tiyakin na ang hustisya ay mananaig at ang mga nagkasala ay mananagot, gaano man kataas ang kanilang katayuan.” – Jesus Crispin “Boying” Remulla


Ang appointment na ito ay agad na nagpasiklab ng mga usap-usapan sa publiko,  ito nga ba ay hakbang patungo sa mas matibay na hustisya laban sa korapsyon, o isa lamang umanong desperadong paraan para maprotektahan ang mga kaalyado ng administrasyon, kabilang si House Speaker Martin Romualdez?


Bilang Ombudsman, si Remulla ang magiging pinakamataas na opisyal na mag-iimbestiga at magsasampa ng kaso laban sa mga opisyal ng pamahalaan na sangkot sa katiwalian at iba pang paglabag sa batas. Isa ito sa pinakamakapangyarihang posisyon sa gobyerno at kasalukuyan itong nasa sentro ng kontrobersiya dahil sa mga bilyon-bilyong pisong anomalya sa flood control projects.


Ngunit hindi lahat ay kumbinsido sa bagong appointment. Para sa ilang kritiko at mamamayan, ang pagkakatalaga kay Remulla ay hindi simpleng political move ito raw ay posibleng pagtatangka upang protektahan ang mga taong malapit sa administrasyon laban sa mga imbestigasyong isinasagawa ng Independent Commission on Infrastructure (ICI).


Ayon sa ilang ulat, ang pag-appoint kay Remulla ay lalo pang nagpa-init sa damdamin ng ilang retiradong opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na matagal nang kritikal sa pamamalakad ng kasalukuyang administrasyon. Para sa kanila, ang hakbang na ito ay indikasyon ng paglalagay ng mga kaalyado sa posisyon upang mapanatili ang kontrol at maikubli ang mga isyung bumabatikos sa pamahalaan.


Ang pag-upo ni Boying Remulla bilang bagong Ombudsman ay isang desisyong maaaring magtakda ng direksyon sa laban kontra korapsyon sa bansa. Ngunit kasabay nito, hindi maiiwasan ang mga pangamba at tanong ng taumbayan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento