Lalong umiinit ang tensyon sa hanay ng mga retired Armed Forces of the Philippines (AFP) officials matapos italaga ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. si Boying Remulla bilang bagong Ombudsman, isang hakbang na tinawag ng ilan bilang "pinakabagong pagtatangka ng administrasyon na protektahan ang sarili nito."
Ayon sa mga mapagkakatiwalaang source, hindi nagustuhan ng ilang retiradong opisyal ang desisyong ito at nakikitang ito’y "cover-up move" umano para protektahan si House Speaker Martin Romualdez, pinsan ng pangulo, na isinasangkot sa ilang usaping may kinalaman sa anomalya sa flood control projects at budget irregularities.
Isa sa kanila ang nagsabing:
“Ito ay malinaw na taktika para protektahan ang iilang tao sa gobyerno. Kapag may Ombudsman kang kontrolado, hindi ka kailanman matatakot sa kaso.”
Sa gitna ng tumitinding isyu ng bilyon-bilyong pisong katiwalian sa flood control projects, naniniwala ang ilang retiradong opisyal ng AFP na ang pagtalaga kay Remulla ay hindi para sa tunay na hustisya kundi para tiyakin na hindi maaabot ng imbestigasyon ang mga malalapit sa kapangyarihan.
Ang hakbang na ito ay nagpatindi pa ng panawagan ng ilan sa hanay ng retired officers para sa mas matinding aksyon laban sa kasalukuyang pamahalaan at muling binuhay ang mga usap-usapan tungkol sa isang posibleng kilos-protesta o pag-aalsa.
Ang pagtalaga ni Boying Remulla bilang Ombudsman ay nagdulot ng matinding pag-aalinlangan sa publiko at sa hanay ng mga dating opisyal ng militar. Sa halip na mapawi ang pagdududa, mas lalo nitong pinainit ang usaping may kinalaman sa korapsyon at proteksyon sa iilang nasa kapangyarihan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento