Nag-trending online si dating aktres Rica Peralejo matapos ang kanyang kontrobersyal na post sa Threads noong Agosto 9 hinggil sa patuloy na problema sa traffic sa bansa.
Sa kanyang orihinal na post, sinabi ni Peralejo:
"Dati akala ko gobyerno ang problema kung bakit hindi tayo mawalanwalan ng traffic. Pero kasi ayaw din pala ng mga tao. Gusto pala talaga nila na nakakotse tapos magically mawala yung traffic."
"Alam kong malaki ang papel ng gobyerno sa pagsugpo ng traffic, pero sana ay maging bukas din tayo sa mga solusyon na kaya nating gawin ngayon, tulad ng pagsuporta sa bike lanes at pagbawas sa pagmamaneho kung hindi naman kailangan."
Maraming netizens ang hindi sumang-ayon sa pahayag, partikular sa Reddit kung saan isang user ang nagkomento:
"No, it’s poor public transport, Ms. Rica."
Isa pa ang nagdagdag na kung may maayos at interconnected na public transportation system tulad sa Japan o Singapore, mas maraming Pilipino ang iiwan ang kanilang mga sasakyan.
Matapos ang mga batikos, tinanggal ni Peralejo ang kanyang post at nagbigay-linaw na hindi niya intensyon na alisin ang pananagutan ng gobyerno:
"Alam na alam kong gobyerno ang may pinakamalaking sala. Pero nagulat lang talaga ako sa dami ng against sa cyclists and bike lanes."
Dagdag pa niya:
"Maghihintay talaga tayo sa gobyerno for all the changes pero yung pwede natin ilaban ngayon ayaw pa rin ng iba."
Ang isyu sa traffic sa Pilipinas ay hindi lamang usapin ng imprastraktura at gobyerno, kundi pati na rin ng mindset at disiplina ng mga tao. Sa naging pahayag ni Rica Peralejo, muling nabuksan ang diskusyon sa kahalagahan ng maayos na public transport at suporta sa alternatibong transportasyon tulad ng bisikleta.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento