Advertisement

Responsive Advertisement

"MAS PRAYORIDAD ANG BARMM ELECTIONS: PANGULONG MARCOS, PIPIRMA SA PAGPAPALIBAN NG BARANGAY AT SK ELECTIONS

Linggo, Agosto 10, 2025

 



Nakatakdang pirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang batas na magpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) mula Disyembre 1, 2025 patungong unang Lunes ng Nobyembre 2026.


"No, I’ll sign it. I’ll sign it. Because we are facing one of the biggest elements here—we just finished a major election, the midterm election, next will be BARMM. Now we’re adding the barangay elections as well. It’s too much actually, it’s the Comelec saying, 'We can’t handle it,'” pahayag ni Marcos.


"Mahalaga ang halalan sa BARMM dahil ito ang kauna-unahan. Dapat nating bigyang-diin ang kahalagahan nito at tiyakin na magiging maayos, ligtas, at makatarungan ang eleksyon."


Sa isang press conference kasama ang Philippine media delegation sa India, ipinaliwanag ng Pangulo na mahalagang bigyang-priyoridad muna ang kauna-unahang halalan para sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Parliament na nakatakda ngayong Oktubre.


Dagdag pa ng Pangulo, hindi pa kailanman nagkaroon ng BARMM Parliament election na mismong mga tao ang bumoboto, kaya mahalaga itong maisakatuparan nang maayos.


Batay sa panukalang batas, kapag naging ganap na itong batas o nag-lapse into law sa Agosto 14, masusunod ang bagong iskedyul at madadagdagan ng isang taon ang paghahanda ng Commission on Elections (Comelec).


Noong Hunyo, niratipikahan ng Senado at Kamara ang bicameral conference committee report na nagtataas sa termino ng mga barangay at SK officials mula tatlong taon tungo sa apat na taon.


Ang pagpapaliban ng Barangay at SK Elections ay layuning bigyang-daan ang mas maayos at maayos na paghahanda para sa makasaysayang halalan sa BARMM. Sa kabila ng paglipat ng petsa, inaasahan na magiging mas maayos ang daloy ng halalan at mas mapapangalagaan ang integridad ng proseso.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento