Matinding lungkot at pangungulila ang nararanasan ngayon ni Ice Seguerra matapos pumanaw ang kanyang pinakamamahal na ina, si Mommy Caring, noong Hunyo 27. Naitalaga ang cremation noong Hulyo 1, at mula noon ay hindi maitago ng singer-actor ang bigat ng kanyang nararamdaman.
“She was really present e from the beginning hanggang sa dulo. Like even maliliit na gigs nandun siya. Right now, andun ako sa process na hindi ko ma-pin point ano ba talaga ‘yung nawawala sa’kin pero alam ko malaki.”
Aminado si Ice na hindi naging madali ang pagkawala ng isang taong napakalapit sa kanya at naging malaking bahagi ng kanyang pagkatao. “’Pag iniisip ko nga like honestly, hindi ko alam kung pano ko siya lalampasan,” ani Ice. Dagdag pa niya, palagi raw andoon ang kanyang ina sa lahat ng yugto ng kanyang buhay mula sa malalaking concert hanggang sa maliliit na gigs.
Sa kanyang unang pagtatanghal matapos ang pagpanaw ng ina, inilarawan ni Ice ang matinding emosyon na bumalot sa kanya. “The first gig na ginawa ko, talagang medyo wasak na wasak ako,” aniya.
Sa kasalukuyan, nasa proseso pa siya ng paghilom. “Right now andun ako sa process na hindi ko ma-pin point ano ba talaga ‘yung nawawala sa’kin pero alam ko malaki,” pahayag niya. Ibinahagi rin niya ang kakaibang pakiramdam ng katahimikan matapos mawalan ng mahal sa buhay: “Sometimes it really hits you. Before, I really enjoyed the quiet but now, when she passed parang ayoko nang tahimik. Sometimes when it’s too quiet like you feel the void.”
Bagama’t mabigat ang pinagdadaanan, pinipilit ni Ice na balikan ang mga alaala ng presensya at walang sawang suporta ng kanyang ina na naging inspirasyon sa kanya hanggang sa huli.
Ang kwento ni Ice Seguerra ay isang patunay ng walang kapantay na pagmamahal ng isang anak sa kanyang ina. Sa kabila ng matinding sakit at pangungulila, pinipili niyang manatiling matatag at buhayin ang mga alaala ng kanyang ina bilang inspirasyon. Ang kanyang pagbabahagi ay nagsilbing paalala na ang presensya ng magulang ay isang kayamanang mananatili sa puso ng anak magpakailanman.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento