Advertisement

Responsive Advertisement

MISS GRAND CALOOCAN, BINATIKOS DAHIL SA PAGGAMIT NG BUHAY NA PARU-PARO SA PAGEANT: "HINDI SILA PROPS PARA SA ENTERTAINMENT"

Huwebes, Agosto 21, 2025

 



Mainit na pinag-usapan online ang ginawa ni Arianne Villareal, Miss Grand Caloocan 2025, matapos niyang gumamit ng mga buhay na paru-paro bilang props sa preliminary competition ng Miss Grand Philippines 2025. Sa charity gala na ginanap sa Okada Manila noong Agosto 17, 2025, rumampa si Villareal na nakasuot ng emerald green gown na may mga kumikislap na hiyas. Ngunit ang naging highlight ng kanyang performance ay ang pagpapakawala ng mga paru-paro na nakadikit sa kanyang mga daliri.


“Kahit na butterflies only live 1-2 weeks, part pa din yan ng ecosystem. They’re not meant for useless props!” -Netizen Reaction


Sa video na agad nag-viral, makikita ang mga paru-paro na hindi nakalipad nang maayos at bumagsak pa sa stage. Imbes na paghanga ang nakuha niya, mas inulan siya ng batikos mula sa netizens at environmentalists.


Marami ang nagsabi na walang lugar sa entablado ang paggamit ng mga buhay na hayop lalo na kung ito ay nagdudulot ng pagdurusa. Ayon sa isang netizen:

“Poor butterflies had to suffer for this nonsense.”


May isa namang nagkomento:

“Maiksi na nga lang ang lifespan ng butterflies, napaiksi pa dahil sa stunt na ito. Hindi sila props para sa entertainment.”


Sa halip na mas makakuha ng puntos para sa creativity, mas lalo pang naging negatibo ang audience impact. Para sa maraming nanonood, hindi dapat gawing accessory ang mga buhay na nilalang, gaano man kaganda ang intensyon.


Sa mundo ng beauty pageants, mahalaga ang creativity at uniqueness. Ngunit ipinakita ng insidente na hindi lahat ng pakulo ay dapat gawin lalo na kung may kinalaman sa mga buhay na nilalang. Ang ginawa ni Miss Grand Caloocan ay paalala na dapat isaalang-alang ang etika at kalikasan sa bawat performance. Ang tunay na ganda ay hindi lang nakikita sa kinang ng gown o pakulo sa entablado, kundi sa respeto sa lahat ng anyo ng buhay.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento