Advertisement

Responsive Advertisement

MELAI CANTIVEROS, NAOSPITAL ANG MGA ANAK SA MINDORO HABANG NAG-BAKASYON: "THANK YOU LORD, SALAMAT DIN SA MGA DOKTOR AT STAFF"

Miyerkules, Agosto 27, 2025

 



Ang bakasyon na dapat ay puno ng saya para kay Melai Cantiveros at kanyang pamilya ay nauwi sa hospital stay matapos magkasakit ang kanyang dalawang anak na sina Mela at Stela habang nasa Mindoro.


“First honor si Stela ang nilagnat tapos pag-chek cya is now the UTI girl. Tapos xempre di rin nagpatalo si Ate Mela kailangan magpamalas din cya, so hayun siya naman si Sore Throat Girl. So the best silang dalawa, sinubra ang pag-enjoy sa vacation nila.”


Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Melai na unang nagkasakit si Stela, na kalaunan ay na-diagnose na may urinary tract infection (UTI). Hindi naman nagpahuli ang panganay na si Mela, na tinamaan naman ng sore throat.


Kahit stressful ang sitwasyon, hindi nakalimot si Melai na magpasalamat. Pinuri niya si Dr. Tin Salvador at ang staff ng Mindoro Med Hospital dahil sa kanilang maayos na pag-aalaga.


Dagdag pa ni Melai:

“Thank you Doctora Tin Salvador our savior for this moment of time and Mindoro Med hospital tlaga kayu kasi napaka hospitable nyu ❤❤ Thank you Lord na ok na aking Ate and Baby. You’re the best God.”


Minsan, kahit planado na ang isang bakasyon, may mga bagay na hindi maiiwasan. Para kay Melai, imbes na mawalan ng pag-asa, mas pinili niyang magpasalamat sa mabilis na paggaling ng kanyang mga anak at sa mga taong tumulong sa kanila. Isa itong paalala na kahit sa gitna ng pagsubok, ang positibong pananaw at pasasalamat ang magdadala ng ginhawa.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento