Isang bagong anggulo ang lumutang kaugnay ng biglaang pagkatanggal kay PNP Chief Gen. Nicolas Torre III. Ayon sa impormasyong mula sa isang source na umano’y may koneksyon sa Malacañang, may kinalaman daw si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla sa nangyaring pagbabago.
“Alam kong may mga spekulasyon kung bakit ako natanggal, at kung totoo man na may mga hindi nagustuhan sa aking pamamalakad, tanggap ko iyon bilang bahagi ng serbisyo publiko. Hindi ko ikinakaila na malaki ang respeto ko sa Pangulo, at kahit saan man ako dalhin ng pagkakataon, handa pa rin akong maglingkod sa bayan -Gen. Nicolas Torre III
Sa ilalim ng chain of command, nananatiling Presidente ang pangunahing boss ni Torre, ngunit dahil sa posisyon ng DILG bilang may direktang oversight sa PNP, malinaw na may impluwensya rin si Secretary Remulla.
Ayon sa source, nag-ugat ang isyu sa umano’y pagiging mayabang ni Torre. Dahil paborito raw siya ng Pangulo at madalas kinikilala sa kanyang mga achievements, nagkaroon siya ng pakiramdam na “untouchable.”
“Itong si Torre daw, ‘yumabang.’ Oo, favored siya ng Presidente dahil sa mga achievements niya. Dahil feeling niya untouchable siya, President is at his back, binabalewala na niya ang DILG at DILG Sec. Feeling same status at power. Eh iba ang power na hawak ni Remulla. General lang siya, si Remulla malalim ang koneksyon,” ayon sa source mula sa Malacañang.
Pinaniniwalaang si Remulla ang nag-initiate ng hakbang para ma-relieve sa puwesto si Torre. Bilang DILG Secretary, hawak niya hindi lang ang kapangyarihan sa PNP kundi pati ang suporta ng ilang matataas na opisyal sa gobyerno.
Sabi pa ng source: “Hirap daw pag umakyat sa ulo ang power. Yumayabang.”
Ito raw ang naging turning point kung bakit mabilis na inaprubahan ng Malacañang ang agarang pagtanggal kay Torre.
Marami ang nagtataka kung bakit matapos lamang ang tatlong buwan mula nang maitalaga ay agad tinanggal si Gen. Torre. Ang bagong impormasyong ito ay nagbigay liwanag sa posibilidad na hindi lang performance kundi politika at relasyon sa loob ng gobyerno ang ugat ng pagbabago.
Sa gitna ng mga haka-haka, lumalabas na hindi lamang simpleng reorganisasyon ang nangyari. Kung totoo ang impormasyon, malinaw na ang politika at “power struggle” ang dahilan sa mabilis na pagkawala ni Torre sa puwesto.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento