Mariing itinanggi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro ang mga alegasyong siya ay “anti-Duterte.” Ayon sa kanya, ang pangunahing tungkulin niya ay lumaban kontra fake news at ipagtanggol ang Pangulo, hindi para umatake sa mga kritiko.
“Hindi po totoo na I’m anti-Duterte. Ang trabaho ko ay lumaban sa fake news at ipagtanggol ang Pangulo. In fact, I voted for him noong 2016.” -Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro
Sa panayam sa The Long Take ng One News, ipinaliwanag ni Castro na hindi siya itinuturing na “attack dog” dahil hindi naman siya basta-basta nang-aaway. Aniya, kung ang Pangulo ang ina-atake, natural lamang na tungkulin niyang ipagtanggol ito at ang pamahalaan.
Dagdag pa niya, walang katotohanan ang mga haka-hakang may galit siya kay dating Pangulong Rodrigo Duterte. Sa katunayan, siya mismo ay bumoto rito noong 2016 elections. “Hindi po totoo na I’m anti-Duterte. In fact, I voted for him,” paglilinaw ni Castro.
Gayunpaman, inamin din niyang humanga siya kay dating Vice President Leni Robredo dahil sa malinis na reputasyon at mahusay na pamamalakad. “Okay naman si VP Leni. Up to now, I think maganda ang ginagawa niya. Wala naman tayong nakikitang corruption sa kanya,” dagdag pa ng opisyal.
Ipinunto ni Castro na bilang isang komunikador ng Malacañang, ang kanyang trabaho ay sumagot sa maling impormasyon, lalo na kung ito ay nakakaapekto sa Pangulo at sa administrasyon.
Sa panahon ng mabilis na pagkalat ng impormasyon at maling balita, iginiit ni Claire Castro na malinaw ang kanyang tungkulin: ipagtanggol ang Pangulo at ang gobyerno laban sa maling impormasyon. Pinatunayan din niya na hindi siya “anti-Duterte” gaya ng mga haka-haka, at nananatili siyang bukas sa pagkilala sa mabuting pamamahala, tulad ng kanyang pagtingin kay dating VP Leni Robredo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento