Sa mata ng marami, ang kalye ay isang malamig, magulo, at mapanganib na lugar lalo na para sa isang bata. Ngunit para kay Rommel Quemenles, isang batang naninirahan sa lansangan ng Quezon City, dito rin niya natagpuan ang isa sa pinakamahalagang kayamanan sa kanyang buhay ang kanyang alagang aso na si Badgi.
"Kahit wala akong magulang o kapatid, hindi ako nag-iisa kasi kasama ko si Badgi. Siya ang pamilya ko. Basta may pagkain ako, may pagkain din siya." -Rommel
Simula pagkabata, si Rommel ay nahiwalay na sa kanyang mga magulang at kapatid. Wala siyang tahanang inuuwian at ang tanging paraan upang mabuhay ay ang paglalako at pamamalimos sa kalsada. Sa kabila ng kahirapan at panganib sa kapaligiran, may isa siyang palaging kasama si Badgi, isang simpleng aspin na naging pamilya, kaibigan, at tagapagbigay ng lakas sa kanya.
Ayon sa mga nakakita sa kanila, tuwing gabi ay magkayakap ang dalawa habang natutulog sa gilid ng kalsada. Hindi alintana ni Rommel ang lamig o panganib basta’t kasama niya si Badgi. Maging sa pagkain ay pantay silang nagbabahagi; anuman ang madiskarte ni Rommel, siguradong may parte rin ang kanyang aso.
Marami ang naantig sa kanilang kwento dahil sa ipinakitang wagas na pagmamahalan at malasakit isang uri ng pagmamahal na hindi hinihingi ang anumang kapalit. Sa isang mundo na minsan ay tila walang malasakit, si Rommel at Badgi ay nagpapaalala sa atin na ang tunay na pamilya ay hindi nasusukat sa dugo, kundi sa tibay ng samahan at pag-aaruga sa isa’t isa.
Ang kwento nina Rommel at Badgi ay paalala na ang pagmamahal at katapatan ay walang hangganan—hindi ito nasusukat sa yaman, tirahan, o estado sa buhay. Minsan, ang pinaka-tunay na pamilya ay iyong taong (o hayop) handang manatili sa tabi mo, sa hirap man o ginhawa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento