Mainit na pinag-uusapan ngayon ang bagong endorsement ng Kapuso actress at style icon na si Heart Evangelista para sa fast-food giant na McDonald’s. Inilarawan ni Heart ang proyekto bilang isa na namang “dream come true,” sabay pagbabahagi ng mga behind-the-scenes photos mula sa kanyang commercial shoot. Sa kanyang Facebook post noong Agosto 15, emosyonal na sinabi ng aktres: “Another dream come true. Little Heart, this one’s for you.”
"Para sa akin, ang trabaho ay biyaya. Pinaghirapan ko at pinasok ko ito ng buong puso. Sana magdala ito ng ngiti sa bawat Pilipino, boycott man o hindi, ang mahalaga ay magbigay tayo ng inspirasyon." -Heart Evangelista
Dagdag pa niya, lubos ang kanyang pasasalamat sa McDonald’s: “I can’t even put into words how much love and gratitude I feel right now. @mcdo_ph, thank you for all the love you’ve given me, I can’t wait to share that with everyone. The best dreams are the ones we get to pay forward.”
Ngunit kasabay ng masayang balitang ito, may ilang nagtatanong kung may kaugnayan ba ang pagkakapili kay Heart sa patuloy na panawagan ng ilang DDS (Diehard Duterte Supporters) na i-boycott ang mga produktong ineendorso ni Vice Ganda, kabilang na ang McDonald’s. Ang boycott ay nagsimula matapos magbiro si Vice sa isang concert tungkol sa “The Hague” at “ICC,” kasabay ng pag-impersonate kay dating Pangulong Rodrigo Duterte na may kasamang mura na ikinatuwa ng live audience ngunit ikinagalit ng ilang tagasuporta ng dating presidente.
Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag ang McDonald’s kung patuloy pa ring kabilang si Vice Ganda sa kanilang mga brand ambassador. Tahimik din si Vice hinggil sa appointment ni Heart bilang bagong mukha ng brand. Sa kabila nito, maraming netizens ang natuwa para kay Heart, lalo na’t kilala siya bilang isang icon ng fashion at sophistication na makakapagbigay ng panibagong imahe sa kanilang kampanya.
Sa gitna ng intriga at politika sa showbiz at social media, nananatiling positibo si Heart Evangelista sa kanyang bagong proyekto. Para sa kanya, ito ay katuparan ng isa sa kanyang mga pangarap, at masaya siyang maibahagi ito sa publiko. Kung kaugnay man ito sa isyu ng boycott o hindi, malinaw na layunin ni Heart na magdala ng saya at inspirasyon sa pamamagitan ng kanyang trabaho.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento