Ang pagbubuntis ay isang biyaya, ngunit para kay Farah Faizal, isang 28-anyos na babae mula Malaysia, naging masalimuot ang kanyang karanasan dahil sa matinding pagbabago sa kanyang itsura. Sa isang 20-segundong TikTok video na in-upload niya sa account na @ayyitslala, ipinakita niya ang kanyang before-and-after pregnancy look na agad nag-viral at umabot sa 117.4 million views. Dahil dito, maraming netizens ang natuwa, na inspire, at naging curious sa kanyang kwento.
“Akala ko habang-buhay na itong pagbabago, pero nung nalaman kong dala lang ito ng hormones sa pagbubuntis, doon ako nakahinga nang maluwag. Sana magbigay inspirasyon ito sa ibang kababaihan na dumaraan sa parehong laban.” -Farah
Kwento ni Farah, nagsimula siyang magkaroon ng pustule type acne halos araw-araw habang buntis. Nadagdagan pa ito ng pangangaliskis at pangangati ng balat, dahilan para magmukha itong parang sunburnt. Ayon sa kanya, naging mabigat ito sa kanyang kalooban:
“I felt so down and kept wondering, ‘Why me?’ I worried that maybe these changes were permanent. I stopped taking pictures and didn’t feel comfortable going out without wearing a mask to hide my face.”
Hindi lamang pisikal, kundi pati emosyonal na aspeto ng kanyang buhay ay naapektuhan. Nawalan siya ng tiwala sa sarili at inisip na baka habang-buhay na ang pagbabagong ito. Ngunit kalaunan, napagtanto ni Farah na ang lahat ay sanhi ng natural na hormonal changes na dinaranas ng mga buntis na babae.
Sa isang panayam, ibinahagi niya ang kanyang pag-asa at ginhawa nang malaman na hindi permanenteng kondisyon ang kanyang pinagdaanan:
“I understood that a woman's body undergoes many hormonal changes during pregnancy. So, it was actually a relief to know the condition wasn't permanent.”
Ngayon, nagsilbing inspirasyon si Farah sa maraming kababaihan, lalo na sa mga buntis na nakakaranas ng parehong sitwasyon. Ang kanyang katapangan sa pagbabahagi ng totoo at mahirap na bahagi ng pagbubuntis ay pinarangalan ng mga netizens na nagsabing ang kanyang honesty ay nagbibigay lakas sa iba.
Ang kwento ni Farah ay patunay na ang pagbubuntis ay hindi lamang tungkol sa saya ng pagdadalang-tao, kundi isa ring matinding emosyonal at pisikal na paglalakbay. Sa kabila ng kanyang pangamba at pagbaba ng tiwala sa sarili, pinili niyang magpakatotoo at ibahagi ang kanyang karanasan. Dahil dito, milyon-milyong tao ang naka relate at na inspire. Ang kanyang tapang ay nagpapaalala sa atin na ang pagbabago sa katawan ay bahagi ng mas malaking himala ng buhay ang pagiging ina.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento