Advertisement

Responsive Advertisement

ICC, HINDI PINAYAGAN ANG HILING NI DUTERTE NA I-DISQUALIFY ANG DALAWANG JUDGE

Miyerkules, Hunyo 11, 2025

 



Hindi pinaboran ng International Criminal Court (ICC) ang kahilingan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na alisin sa kaso ang dalawang hukom na sangkot sa pagdedesisyon sa usapin ng hurisdiksyon ng ICC sa kanyang kaso.


“Patuloy naming ipaglalaban ang legalidad at ang karapatan ng aking kliyente sa patas na paglilitis. Ang hurisdiksyon ng ICC ay isang isyung kailangang linawin, at kami’y patuloy na gagamit ng legal na paraan para dito.” -kampo ni Duterte


Ayon sa ICC President na si Judge Tomoko Akane, nagtipon ang plenaryo ng mga hukom noong Hunyo 9 at nagkaisang ibinasura ang hiling ng kampo ni Duterte.


“The plenary of judges, acting unanimously, decided to reject the Application,” pahayag ni Akane. Dagdag niya, ilalabas pa ang buong paliwanag ng desisyon sa mga susunod na araw.


Ang mga laywer ni Duterte ay humiling na i-disqualify sina Judge Reine Adélaïde Sophia Alapini-Gansou at Judge María del Socorro Flores Liera, dahil umano sa dati nilang “involvement” sa isang mahalagang isyu—ang tanong kung may hurisdiksyon ba ang ICC sa kaso ni Duterte.


Ayon sa abogadong si Nicholas Kaufman, ang hurisdiksyon ay “pinakamainit at sentral na isyu” sa kaso, at anumang pabor na desisyon sa kampo ng depensa ay magdudulot ng malawakang epekto sa mga susunod na hakbang sa kaso.


Ngunit dahil ang parehong mga hukom ay kabilang sa mga lumagda sa naunang arrest warrant laban kay Duterte, ginamit ito ng kanyang legal team bilang batayan sa paghiling ng diskwalipikasyon—na sa huli’y hindi kinatigan ng ICC.


Samantala, inaasahan ang pagsipot ni dating Pangulong Duterte sa confirmation of charges hearing ngayong darating na Setyembre 23.


Sa desisyong ito ng ICC, malinaw na pinapakita ng korte ang integridad ng kanilang proseso at ang determinasyong hindi matitinag sa harap ng mga pagtatangkang pigilan ang pag-usad ng kaso.


Para sa maraming tagasubaybay, ito ay isang senyales ng paninindigan para sa international accountability at isang hamon sa mga pinuno ng bansa na walang sinuman ang higit sa batas, lokal man o pandaigdigan.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento