Naglabas ng pahayag si Senadora Cynthia A. Villar ng kanyang buong suporta sa kandidatura ni Pastor Apollo Quiboloy bilang senador sa darating na 2025 midterm elections. Ayon sa senadora, kabilang si Quiboloy sa kanyang isasama sa ipapamahagi niyang sample ballot—isang malinaw na indikasyon ng kanyang personal na pag-endorso.
“Bilang isang lingkod-bayan at ina ng tahanan, pinipili ko ang mga kandidatong may paninindigan at pagmamahal sa bayan. Isa si Pastor Quiboloy sa mga nakikita kong makakapaghatid ng tunay na serbisyo sa Senado. Kaya kabilang siya sa aking ipapamahaging sample ballot.” - Sen. Cynthia A. Villar
Bagama’t naging kontrobersyal ang ilang isyu na kinasangkutan ni Pastor Quiboloy, iginiit ni Villar na ang kanyang suporta ay nakabatay sa paniniwala sa moralidad, prinsipyo, at serbisyo publiko ng pastor bilang isang lider.
“Naniniwala akong malaki ang maitutulong ni Pastor Quiboloy sa Senado. Isa siyang lider na may paninindigan, at nakikita ko ang kanyang malasakit sa bayan,” pahayag ni Villar sa panayam.
Samantala, wala pang opisyal na kampanya si Quiboloy, ngunit inaasahang magiging aktibo ito sa mga darating na linggo habang papalapit ang halalan.
Habang patuloy ang init ng kampanya sa nalalapit na halalan, isa sa mga pinaka-pinag-uusapang pahayag ngayon ay ang endorso ni Sen. Cynthia Villar kay Pastor Apollo Quiboloy. Sa kabila ng mga isyung kinahaharap ng pastor, ang suporta mula sa isang kilalang political figure ay nagpapakita ng tiwala sa kanyang kakayahan bilang mambabatas.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento