Advertisement

Responsive Advertisement

BATANG QUIAPO PASOK SA TOP 20! BAGONG PAG-ASA PARA SA MALILIIT NA NEGOSYANTE!

Sabado, Mayo 10, 2025

 


Sa nalalapit na May 12 midterm elections, patuloy na lumalakas ang suporta para sa #29 Batang Quiapo Partylist matapos itong makapasok sa Top 20 base sa Social Weather Stations (SWS) survey.


Ayon sa pinakabagong resulta ng survey na isinagawa mula Mayo 2 hanggang 6, 2025, nakakuha ng 1.20% voter preference ang Batang Quiapo, dahilan upang makuha nito ang ika-19 na puwesto sa hanay ng mahigit 100 party-list groups.


“Hindi lang po ito tungkol sa pangalan ng Quiapo. Ito ay tungkol sa lahat ng Pilipinong marangal ang trabaho at nangangarap ng mas magandang buhay. Sa Kongreso, isusulong namin ang ‘loan puhunan’ bill para bigyan ng pag-asa ang maliliit na negosyante.” - Zofia Canlas


Ang sentro ng kanilang adbokasiya ay ang inclusive economic empowerment—isang mungkahing panukala na magbibigay ng “loan puhunan” o startup capital para sa mga vendor at small entrepreneurs na walang access sa banko.


Ayon sa nominee na si Zofia Canlas, layunin ng panukala na tulungan ang mga ordinaryong Pilipino na makapagsimula ng kanilang sariling negosyo sa pamamagitan ng abot-kayang pautang na hindi nangangailangan ng collateral.


“Ang daming Pilipino ang gustong magnegosyo pero hindi makautang dahil wala silang bank account o credit record. Gusto naming tulungan sila,” sabi ni Canlas.


👥 KILALANIN ANG MGA NOMINEE:

Zofia Canlas – youth advocate at public servant

Atty. Ruskin Prinsipe – batikang abogado na nagsusulong ng legal na reporma para sa marginalized sectors

Vilma Macasaet Arce – anak ng dating vendor sa Quiapo, tagapagsalita ng mga maliliit na negosyante at microentrepreneurs


📊 BATAY SA SURVEY:

SWS Survey (May 2025): 19th place – 1.20%

Tangere Survey (April 2025): 19th place – 1.52%

OCTA Research: Projected to secure a seat (ranks 34–36)


Ayon kay Dindo Manhit, president ng Stratbase, patunay ang resulta na “ang mga partylist na may malinaw na mensahe at branding ay mas madaling makuha ang tiwala ng tao.”


Sa pagpasok ng Batang Quiapo Partylist sa Top 20, kitang-kita na tumitibay ang suporta ng masa para sa mga grupong tunay na kumakatawan sa kanilang pangarap. Kung ang adhikain mo ay pag-angat ng kabuhayan at pantay na oportunidad, baka ito na ang party-list na para sa'yo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento