Opisyal nang inanunsyo ng Iglesia ni Cristo (INC) ang kanilang suporta sa walong (8) senatorial candidates para sa 2025 midterm elections. Ang kanilang mga inendorso ay mula sa iba’t ibang partido gaya ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas, PDP-Laban, Nacionalista Party, at Katipunan ng Nagkakaisang Pilipino.
Ayon sa sample ballot na ipinamahagi sa mga miyembro ng INC, ito ang mga opisyal na kandidato ng simbahan:
Bam Aquino – Katipunan ng Nagkakaisang Pilipino
Bong Revilla – Lakas-CMD / Alyansa
Pia Cayetano – Nacionalista Party / Alyansa
Ronald "Bato" dela Rosa – PDP
Bong Go – PDP
Rodante Marcoleta – Independent / PDP
Imee Marcos – Nacionalista Party
Camille Villar – Nacionalista Party / Alyansa
Ang INC ay kilalang may malaking impluwensya tuwing halalan dahil sa kanilang bloc voting, kung saan bumoboto ang kanilang mga miyembro ayon sa gabay ng pamunuan.
Isa sa mga unang nagpahayag ng pasasalamat ay si Sen. Bong Revilla, na nagsabi sa isang Facebook Live:
“Good news po, at nais ko lamang pong ibalita na kagagaling ko lamang po dito sa Central, sa Iglesia ni Cristo, at ako’y pinatawag ni Ka Eduardo Manalo at nakaharap ko ang kanyang anak na si Ka Angelo, at ako po’y sinusuportahan ng Iglesia ni Cristo.”
Ayon sa isang source mula sa INC na humiling na huwag pangalanan, ang mga sample ballot na kumakalat ngayon ay tunay at ipinamamahagi na sa mga lokal na kapilya.
Ang pagsuporta ng INC sa walong kandidato ay tiyak na makaaapekto sa resulta ng darating na halalan. Kilalang organisadong bumoto ang INC, kaya’t ang endorsement nila ay inaasam ng maraming politiko. Sa pagsuporta nila sa mga batikang senador at bagong mukha, malinaw na balanse ang kanilang naging pamantayan sa pagpili.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento