Advertisement

Responsive Advertisement

JOHN ARCILLA NILINAW: ‘WALA AKONG KINITA DITO’ – ENDORSEMENT SA KAMPANYA, HINDI PARA SA SARILI

Biyernes, Mayo 9, 2025

 


Sa isang Facebook post nitong Mayo 7, binasag na ni John Arcilla ang pananahimik tungkol sa mga akusasyong bayad umano ang kanyang pag-eendorso sa ilang kandidato sa pagkasenador.


“Ang hindi natin pinapansin, yung KARANIWANG NAG-EENDORSO NG TAMA AY MAAYOS ANG BUHAY at NAGBABAYAD NG MATATAAS NA BUWIS, kaya alam nila kung sino ang MAGPAPALUWAG NG ating BUHAY,” ani Arcilla.


Binigyang-diin ng aktor na wala siyang personal na interes sa kanyang mga sinusuportahan—ginagawa niya ito para sa mahihirap at para sa ikabubuti ng nakararami.


“Hindi nila ito ginagawa para sa SARILI NILA KUNDI PARA SA MGA MAHIHIRAP NA MAMAMAYAN…”


Kasabay nito, nagbabala siya sa mga botante laban sa pagboto sa mga tradisyunal na politiko, political dynasty, at mga kandidatong wala umanong maipagmamalaking track record:


“Kung MAGMAMATIGAS tayo… at ang mga PINAGPIPILITAN NATIN AY PAYASO, TRAPO, BALIMBING AT DYNASTY, mabubuhay talaga tayo na WALANG MAGBABAGO.”


Hindi lahat ng celebrity endorsement ay para sa publicity o pera. Sa kaso ni John Arcilla, malinaw ang kanyang paninindigan—boses ng prinsipyo at hindi takot sa katotohanan. Sa panahon ng eleksyon, hindi raw dapat ipagkatiwala ang kinabukasan sa mga taong makasarili, kundi sa mga may tunay na layuning maglingkod.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento