Hindi napigilan ni Robi Domingo ang maging emosyonal sa kanyang kaarawan habang binahagi niya ang kanyang mga saloobin at pangarap sa kanyang Instagram account sa pagdiriwang ng kanyang ika-35 na kaarawan. Sa kabila ng mga pagsubok at hamon sa buhay, patuloy na nananatiling positibo si Robi sa pag-asang matupad ang kanyang mga pangarap para sa kanilang pamilya, lalo na ang kanyang hangaring maging isang ama.
Sa video na kanyang ibinahagi, inamin ni Robi na nakakaramdam siya ng "birthday blues" o ang kalungkutan na nararamdaman ng ilan sa pagdiriwang ng kanilang kaarawan. “I’m having some birthday blues, some people say it’s time na nararamdaman mo nang ‘okay tumatanda ka na’ but also it’s a time na puwede kang mag-reflect sa buhay mo and that’s what am I gonna do right now,” ani ni Robi.
Ayon sa kanya, ang mga ganitong pagkakataon ay nagiging panahon upang magnilay-nilay sa mga nagawa at hindi pa nagagawang mga pangarap sa buhay.
Sa kanyang video, ibinahagi ni Robi ang kanyang plano sa susunod na limang taon. “My plan in the next five years is to be a better house-band and husband and hopefully next year when the Lord permits it and when her condition permits it, depende sa clearance ng doctor, I hope to introduce you to a baby Robi as well or baby Maiqui or why not twins, him her,” dagdag pa niya.
Nais ni Robi na maging isang mabuting asawa kay Maiqui Pineda, at higit sa lahat, pangarap niya ang magkaroon ng anak o maging masaya sa pagdating ng isang "baby Robi" sa kanilang buhay.
Aminado si Robi na dumaan sila sa matinding pagsubok ng kanyang asawa, lalo na noong nagkasakit si Maiqui. “Alam mo ‘yung may plano ka dati, especially I’m a man with a plan all the time, talagang nakaayos iyan. But last year, was really a blow and questioned me ‘Ano ba ang nangyayari, ano bang mangyayari’ especially with Maiqui and then nakakasa na ako na by this year, actually by this month, sana mayroon na akong anak ‘di ba? And it happened, it’s hard,” pahayag ni Robi.
Sa kabila ng kanilang plano na magbuo ng pamilya, nagkaroon ng balakid ang kanilang pangarap dahil sa iniindang kondisyon ni Maiqui. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, buo pa rin ang kanilang pag-asa na malalampasan nila ang mga pagsubok.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento