Nanawagan si Sen. Erwin Tulfo sa kanyang mga kapuwa senador na itigil na ang pagkakawatak-watak at magbalik sa tunay na trabaho ng Senado. Sa gitna ng mainit na bangayan, leadership dispute, at tensyong bumalot sa mataas na kapulungan, pinaalalahanan ni Tulfo ang mga senador na hindi dapat pairalin ang emosyon sa puntong nakakalimutan na ang kanilang tungkulin sa bayan.
Sa kanyang pahayag, sinabi ni Tulfo: “Sa aking mga kapuwa senador, tama na ang pagkakawatak-watak. Trabaho na lang tayo.” Ang panawagang ito ay inilabas kasunod ng kanyang paghingi ng paumanhin sa mga kasamahan dahil sa naging marahas niyang pahayag kaugnay ng tensyon sa Senado.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento