Sa paggunita ng 31st Migrant Workers Day, nagpaabot ng mensahe si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para kilalanin ang sakripisyo, tapang, at katatagan ng mga overseas Filipino workers o OFW.
“Nagpapasalamat tayo sa ating mga OFW sa kanilang tibay ng loob, sakripisyo, at walang kapantay na pagmamahal sa pamilya at bayan. Sa kabila ng hirap ng buhay sa ibang bansa, nananatili silang matatag, at tungkulin ng pamahalaan na tiyaking ang kanilang kapakanan, karapatan, at dignidad ay mapoprotektahan saan man sila naroroon.”
Pinasalamatan ng Pangulo ang mga Pilipinong patuloy na nagtatrabaho sa ibang bansa kahit malayo sa pamilya, hinaharap ang hirap ng buhay, at kinakailangang maging matatag sa gitna ng pangungulila, pagod, at panganib. Sa ganitong mensahe, malinaw ang pagkilala ng administrasyon na ang OFW ay hindi lamang nagpapadala ng remittance, sila ay mga Pilipinong araw-araw na lumalaban para sa kinabukasan ng kanilang pamilya.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento