Nanindigan si Sen. Alan Peter Cayetano na hindi niya kailanman babaluktutin ang batas o ang Konstitusyon sa gitna ng patuloy na gulo sa liderato ng Senado. Pero nilinaw niya na handa siyang mag-adjust, magpakumbaba, at humanap ng paraan para hindi maipit ang mga empleyado ng Senado sa banggaan ng dalawang kampo.
Sa kanyang pahayag, sinabi ni Cayetano: “I’ll never bend the law, nor will I bend the Constitution; but I will bend backward for our employees para hindi sila maipit sa gulo.”
Ayon sa ulat ng Inquirer, matapos ang reorganization, naglabas si Cayetano ng memorandum kung saan muli niyang iginiit na operational pa rin ang Office of the Senate President at patuloy niyang ginagampanan ang kapangyarihan at tungkulin ng nasabing opisina. Sa parehong memo, inatasan din niya ang Senate employees na tumulong sa committee hearing na nakatakda sa ilalim ng kanyang liderato.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento