Uminit ang ulo ni Senador Imee Marcos matapos ang nangyaring putukan at kaguluhan sa loob ng Senado kaugnay ng tensyon sa posibleng pag-aresto kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa. Dahil dito, hiniling niya kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pansamantalang tanggalin sa puwesto ang ilang opisyal ng National Bureau of Investigation habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
Kabilang sa mga pinasisibak ni Marcos sina NBI Director Atty. Melvin Matibag, NBI-NCR Chief Atty. Emeterio Dongallo Jr., at NBI Organized and Transnational Crime Division Chief Atty. Jerome Bomediano. Ayon sa ulat, nais ni Marcos na ma-relieve muna ang mga opisyal upang hindi maapektuhan ang kredibilidad at integridad ng imbestigasyon sa nangyaring putukan sa Senado
“Imbes na gawin ninyo ang trabaho ninyo at i-secure kami, pinagsabihan mo pa kami na huwag sumigaw. Kung may putukan sa Senado, hindi puwedeng puro denial ang sagot. Dapat may managot, at dapat maalis muna sa puwesto ang mga opisyal habang iniimbestigahan ang buong pangyayari.”

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento