Advertisement

Responsive Advertisement

"PANGULO KA PURO KA WALANG ALAM?" SEN. IMEE PINAGDUDUDAHAN ANG PAHAYAG NI PBBM NA WALA SIYANG ALAM SA KAGULUHAN SA SENADO

Huwebes, Mayo 14, 2026

 



Diretsahang kinuwestiyon ni Senador Imee Marcos ang pahayag na wala umanong alam ang Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa nangyaring kaguluhan sa Senado kaugnay ng isyu kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa. Para kay Imee, mahirap tanggapin na sa isang napakalaking insidente sa loob mismo ng Senado, halos lahat ng pangunahing ahensya ay nagsasabing wala silang alam.


Tinawag ni Imee ang nangyari sa Senado bilang isang “kahiya-hiyang pangyayari,” matapos magkaroon ng tensyon at putukan sa loob ng gusali habang nananatili si Dela Rosa sa Senado sa gitna ng ICC arrest warrant issue. Iniulat din na pinuna niya ang sunod-sunod na denial ng DILG, PNP, NBI, at maging ng Palasyo tungkol sa kung sino ang may alam o may utos sa nangyari.


“Pangulo ka, hindi mo alam? DILG, wala raw alam. PNP, wala raw alam. NBI, wala raw alam. Pati ang Pangulo, sinasabing wala ring alam. Lahat walang alam. Kahiya-hiya ang nangyaring ito sa Senado.”

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento