Naniniwala si Rep. Eny San Fernando, kinatawan ng Kamanggagawa Party-list, na maliit ang tsansang umusad ang panibagong impeachment complaint laban VP kay Sara Duterte. Para sa mambabatas, kahit pa makalusot ang reklamo sa House Committee on Justice, doon pa lamang magsisimula ang tunay na laban, habang papalit ang eleksyon, palakas ng palakas si VP Sara Duterte.
Ayon kay San Fernando, may posibilidad na umabot sa antas ng komite ang reklamo, subalit ibang usapan na ang makakuha ng sapat na boto mula sa buong Kamara. Sa puntong ito, hindi na raw legalidad ang pangunahing usapin kundi matematika ng pulitika, ilang mambabatas ang handang bumoto laban sa isang kandidatong malakas sa darating na halalan.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento