Advertisement

Responsive Advertisement

"HINDI KO SIYA PINOPROTEKTAHAN, I SPARE NO ONE" DRAFT NG BLUE RIBBON REPORT NI SEN. PING LAC DINAWIT SI MARTIN ROMUALDEZ SA FLOOD CONTROL SCANDAL

Linggo, Pebrero 8, 2026

 



Lumabas sa draft report ng Senate Blue Ribbon Committee na idinawit ang pangalan ni dating House Speaker Martin Romualdez kaugnay ng isinasagawang imbestigasyon ng Senado. Ito ay matapos kumalat ang espekulasyon na umano’y “niligtas” o hindi isinama si Romualdez sa posibleng pananagutan. 


Mariing itinanggi ni Sen. Ping Lacson ang alegasyong may pinoprotektahan ang komite. Ayon sa senador, malinaw ang batayan ng kanilang report at hindi ito nakabatay sa impluwensiya o posisyon ng sinumang personalidad sa gobyerno.


Ipinaliwanag ni Lacson na kabilang si Romualdez sa tinatawag na second category mga indibidwal na nabanggit sa mga pagdinig ngunit walang direktang ebidensya na tumanggap ng pera. Ibig sabihin, maaaring may mga testimong nagbanggit ng pangalan, ngunit hindi sapat ang ebidensya upang idiin siya sa aktwal na katiwalian.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento