Advertisement

Responsive Advertisement

"HINDI MADALI ANG MAGING ADIK, ALAM KO DAHIL DIYAN AKO GALING" FR. FLAVIE VILLANUEVA NANAWAGAN SA PUBLIKO IMBES KAMUHIAN ANG MGA DRUG ADIK DAPAT AWAAN SILA

Huwebes, Pebrero 12, 2026


Nagpahayag ng awa si Fr. Flavie Villanueva para sa mga taong nasangkot sa ilegal na droga maging ito man ay drug pusher o drug user. Ayon sa kanya, hindi simpleng “bisyo” o “krimen” lamang ang dapat tingnan sa isyung ito, kundi ang mas malalim na dahilan kung bakit napapasok ang isang tao sa ganitong sitwasyon.


Giit ni Father Flavie, maraming drug pusher ang napilitang magtinda hindi dahil gusto nila, kundi dahil sa matinding kahirapan. Para sa ilan, ito ang naging paraan upang may maipangtustos sa pamilya at may pantawid-gutom sa araw-araw.


Para naman sa mga drug user, sinabi ng pari na kadalasan ay may personal na pinagdadaanang mabibigat na problema ang mga ito. Maaaring dulot ng trauma, depresyon, o kawalan ng pag-asa ang pagkalulong sa droga.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento