Advertisement

Responsive Advertisement

"MATAGAL NANG TALAMAK ANG KORAPSYON, NGAYON LANG ITO NABISTO" SEN. PING LACSON PINURI ANG MARCOS ADMINISTRATION SA PAGLANTAD NG ANOMALYA

Huwebes, Disyembre 18, 2025

 



Diretsahang sinabi ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson na ang flood control scandal, ghost projects, at questionable budget insertions ay hindi bagong sakit ng pamahalaan. Giit niya, matagal nang talamak ang mga ito lalo na noong nakaraang administrasyon, ngunit ngayon lamang sila pumutok at na-expose nang buo dahil mismo sa hakbang ng Marcos administration na isapubliko ang mga anomalyang natuklasan nila.


“Ang flood control scandal, ghost projects, at budget insertions ay matagal nang talamak sa nakaraang administrasyon. Sa Marcos administration lang pumutok dahil sila ang nagbunyag. Kung tutuusin, dapat tayong magpasalamat sa Pangulo sa paglalabas ng katotohanan.” - Sen. Panfilo “Ping” Lacson


Ayon kay Lacson, mali na ibato sa kasalukuyang administrasyon ang sisi sa mga anomalya dahil ugat-ugat na ito sa mga nakaraang taon. Dagdag ng senador na hindi nagbulag-bulagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Sa halip, hinayaan niya na silipin, suriin, at imbestigahan ang mga kaduda-dudang proyekto kahit alam niyang maaaring bumalik sa kanya ang isyu.


Sa pananaw ni Lacson, hindi ito kahinaan ng Pangulo, kundi katapangan dahil hindi lahat ng administrasyon ay handang maglabas ng pruweba laban mismo sa mga istrukturang iniwan ng nakaraang pamumuno.


Sa pahayag ni Sen. Lacson, lumilinaw ang isang mahalagang punto na ang korapsyon ay hindi nagsimula sa kasalukuyang pamahalaan, pero sa kasalukuyang pamahalaan ito lumabas nang buong-buo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento