Nagpahayag ang Malacañang ng buong suporta at paghanga kay Ilocos Norte Representative Sandro Marcos matapos nitong personal na humarap sa ICI upang sagutin ang mga paratang at batikos na ibinabato laban sa kanya.
“Hindi lahat may lakas ng loob humarap sa imbestigasyon. Pero ginawa iyon ni Sandro at ginawa niya nang walang pag-aalinlangan.” - Malacañang
Ayon sa Palasyo, ang ginawa ni Sandro ay malinaw na pagpapakita ng transparency, tapang, at paggalang sa due process bagay na anila’y bihira nang makita sa mga politiko ngayon.
Para sa Malacañang, ang pagharap ni Sandro ay hindi lamang tungkol sa pagsagot sa isyu, kundi isang simbolo ng public accountability na ipinapakita sa buong bansa.
Habang sunod-sunod ang batikos mula sa ilang kritiko at grupong nagsusulong ng imbestigasyon, nanindigan si Sandro na hindi siya magtatago sa likod ng posisyon o apelyido.
Sa halip, pinili niyang humarap nang diretsahan sa ICI bagay na ikinagalak at ipinagmalaki ng Malacañang. Ayon sa Palasyo, ang ganitong asal ay malinaw na indikasyon na seryoso si Sandro sa kanyang tungkulin at sa paglilinaw ng katotohanan.
Para sa Malacañang, ang pagharap ni Sandro Marcos sa ICI ay isang malaking hakbang para ipakita ang tunay na kahulugan ng pampublikong serbisyo hindi takot, hindi tago, hindi iwas-isyu.
Sa harap ng kontrobersiya, pinili niyang maging bukas, maging matatag, at maging responsable, at para sa Palasyo, iyon ang dahilan kung bakit karapat-dapat siyang purihin.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento