Nagbigay ng matapang na suporta si Atty. Jimmy Bondoc kay Vice President Sara Duterte at sinabing kung siya raw ang maging Pangulo ng Pilipinas, mas gaganda ang direksiyon ng bansa, lalo na sa usaping ekonomiya at governance.
“Kung sakaling maging Presidente si VP Sara, sigurado ako aangat ang Pilipinas. Mas magiging maayos, mas mabilis, at mas matatag ang bansa kumpara sa kasalukuyang pamamalakad.” -Atty. Jimmy Bondoc
Hindi na raw bago na maraming Pilipino ang naghahanap ng mas matatag, mas disiplinadong pamumuno at para kay Bondoc, si VP Sara raw ang may kakayahang magbigay nito.
Hindi nag-atubili si Bondoc na ikumpara ang pamamahala ng kasalukuyang administrasyon at ang potensyal na liderato ni VP Sara. Ayon pa sa kanya, kung ang Pilipinas daw ngayon ay hirap makabangon sa isyu ng ekonomiya, governance, at political unity, naniniwala siyang ibang klase ang magiging epekto kapag si Sara Duterte ang nasa pinakamataas na posisyon.
Pinaliwanag ni Bondoc na hindi raw sapat ang pagiging popular o mahusay sa talumpati ang bansa ay nangangailangan ng decisive leadership. Para kay Atty. Jimmy Bondoc, si VP Sara Duterte ang lider na kayang magbigay ng bagong direksiyon sa bansa.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento