Nagulat at nagpainit ng diskusyon sa publiko ang plano ng Marcos administration na bigyan ng panibagong parangal si Father Flavie Villanueva, isang kilalang pari at human rights advocate. Ayon sa impormasyon mula sa Malacañang, nakatakdang igawad sa kanya ang Democracy Courage Award, isang pagkilalang ibinibigay sa mga indibidwal na matapang na lumalaban sa awtoritaryanismo at nagbibigay ng boses sa mga inaapi at pinatahimik.
"Bihira ang ganitong tapang. Bihira ang ganitong dedikasyon. At bilang pamahalaan, tungkulin naming kilalanin ang mga indibidwal na patuloy na nagpapatibay sa haligi ng demokrasya ng bansa" - Marcos administration
Sa mata ng palasyo, ang pagiging lantad at walang takot na prinsipyo ni Father Flavie ay malinaw na ehemplo ng “democratic courage.”
Ayon sa administrasyon, ang pagpili kay Father Flavie ay hindi lamang dahil sa kanyang mga programa para sa mahihirap, biktima ng EJK, at marginalized communities, kundi dahil na rin sa kanyang tahasang tapang na magsalita laban sa pang-aabuso, diktadurya, at katiwalian kahit sino pa ang makabangga niya.
Sa gitna ng tensyon, kritisismo, at sari-saring opinyon tungkol sa pamahalaan, malinaw na kinikilala ng Malacañang ang kanyang katapangan, dedikasyon, at walang takot na paninindigan para sa karapatang pantao at demokrasya.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento