Advertisement

Responsive Advertisement

“IMBES SA DRUG TEST MAG-NEGATIVE, SA TRUST RATING PA BUMAGSAK” CONG. KIKO BARZAGA TINULIGSA PAGBAGSAK NG TIWALA SA PANGULO

Linggo, Disyembre 28, 2025

 



Matapang na tinuligsa ni Cong. Kiko Barzaga ang biglaang pagbulusok ng trust rating ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos ilabas ng Social Weather Stations (SWS) ang pinakabagong survey na isinagawa noong Nobyembre 24–30, 2025.


“Imbes na mag-negatibo sa hair follicle drug test, sa trust rating pa bumagsak. Hindi mo maloloko ang taumbayan, nakikita nila kung saan pumupunta ang bansa.” - Cong. Kiko Barzaga


Para kay Barzaga, hindi simpleng numero ang survey na ito raw ay salamin ng sentimyento ng taumbayan, na tila nagsasawa sa kaliwa’t kanang kontrobersiya, kakulangan sa solusyon sa baha, korapsyon, at mga pangakong hindi natutupad.


Pahayag niya, ang pagbaba ng tiwala ay babala na lumiliit ang pasensya ng mga Pilipino  at lumalakas ang pananaw na hindi na epektibo ang kasalukuyang pamumuno.


Ang pagbagsak ng trust rating ni Pangulong Marcos Jr. ay nagbigay ng panibagong lakas sa mga kritiko kabilang si Cong. Kiko Barzaga, na walang takot na nagsabing malinaw ang mensahe ng publiko na bumababa ang paniniwala sa liderato.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento