Nagpahayag ang Malacañang ng matibay na paninindigan: hindi kailanman magiging hadlang ang lumolobong utang ng bansa basta’t patuloy na magbabayad ng tamang buwis ang taumbayan. Ayon sa opisina ng Pangulo, nananatili ang kanilang kumpiyansa na kakayanin ng Pilipinas na bayaran ang anumang obligasyon, gaano man ito kalaki.
“Hindi namin ikinakaila na malaki ang utang ng bansa ngayon. Pero basta’t tapat ang bayan sa pagbabayad ng buwis, kaya natin itong bayaran. Malakas ang loob namin dahil malakas ang tiwala namin sa taumbayan.” - Malacañang
Hindi ikinaila ng Malacañang na mas malaki ngayon ang utang ng bansa pati na ang triple pagtaas kumpara sa nakaraang administrasyon. Gayunpaman, iginiit nila na hindi ito dapat katakutan o gawing dahilan ng pangamba, dahil nakasalalay ang pambansang kakayahan sa katapatan ng mamamayan sa pagbabayad ng buwis at sa maayos na pamamalakad ng ekonomiya.
Ayon sa Malacañang, sapat ang kapasidad ng bansa dahil tumatakbo nang maayos ang revenue collection, lumalawak ang tax base, at patuloy na lumalakas ang ekonomiyang Pilipino. “Basta’t magtulungan ang mamamayan at gobyerno, walang utang na hindi kayang bayaran,” dagdag pa ng opisina.
Maliwanag ang mensahe ng Malacañang na hindi utang ang tunay na problema, kundi ang kakayahang magtulungan para mabayaran ito. Sa tamang pagbabayad ng buwis, maayos na pamamahala, at disiplina ng bawat Pilipino, naniniwala ang Palasyo na walang financial crisis na hindi kayang lampasan ng bansa.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento