Advertisement

Responsive Advertisement

"WE THANK EVERYONE WHO PRAYED FOR US TODAY, IT IS VERY HEAVY BUT WE ACCEPTS THE DECISION" VP SARA DUTERTE MALUNGKOT PERO TINANGGAP ANG PASYA NG ICC

Biyernes, Nobyembre 28, 2025

 



Naglabas ng emosyonal na pahayag si Vice President Sara Duterte matapos tanggihan ng International Criminal Court (ICC) ang kahilingan ng depensa para sa interim release o pansamantalang paglaya ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.


Ayon kay VP Sara, bagama’t mabigat sa kanilang pamilya ang desisyon, tinanggap nila ito nang may mapayapang puso at buong respeto sa proseso ng batas.


“The family accepts the ICC Appeals Chamber’s decision with peaceful hearts. We will continue to work with the defense team on the case and will keep supporting former president Rodrigo Duterte with our daily conversation. We thank everyone who prayed for us today” - VP Sara Duterte 


Sa kabila ng desisyon ng ICC, tiniyak ni VP Sara na hindi sila susuko at patuloy silang lalaban para maibalik sa Pilipinas ang dating Pangulo. Ayon sa kanya, gagamitin nila ang lahat ng legal at diplomatikong paraan upang ipaglaban ang karapatan ni Duterte bilang isang dating lider ng bansa.


Binigyang-diin ni VP Sara na kinikilala nila ang proseso ng internasyonal na hustisya, ngunit naniniwala rin siyang may pagkukulang sa paraan ng paglilitis laban sa kanyang ama. Ayon sa kanya, dapat din umanong igalang ng ICC ang sovereignty o kalayaan ng Pilipinas bilang isang bansa at ang karapatan nito na resolbahin ang mga isyung panloob nang hindi nakikialam ang ibang bansa.


Sa harap ng desisyon ng International Criminal Court, nananatiling matatag ang pamilya Duterte, pinangungunahan ni Vice President Sara Duterte.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento