Matapos tanggihan ng International Criminal Court (ICC) ang kahilingan ng depensa para sa interim release ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, nagbunyi ang ilang Pro-Marcos loyalists at mga tagasuporta ng kasalukuyang administrasyon. Ayon sa kanila, ang desisyon ng ICC ay isang makasaysayang tagumpay para sa hustisya at para sa mga biktima ng madugong war on drugs noong panahon ni Duterte.
“Justice has been served. Sa wakas, mayroong nanagot sa libu-libong inosenteng napatay noong panahon ng kanyang kampanya laban sa droga” - Pro-Marcos Supporter
Isa sa mga madalas na pahayag ng mga pro-Marcos group ay ang paniniwalang ang bawat Pilipino maging ang adik ay may karapatang mabuhay. Ayon sa kanila, hindi kailanman magiging solusyon ang karahasan, at dapat sanang pinalakas noon ang rehabilitasyon at edukasyon, hindi ang pagpatay
Para sa mga loyalista, ang pasya ng ICC ay hindi lang parusa kay Duterte kundi babala sa mga susunod na lider na kailangang gamitin ang kapangyarihan nang may kabutihan at pagkilala sa karapatang pantao. Ayon sa kanila, ito ay sandali ng hustisya at pagbangon para sa mga pamilya ng mga biktima ng Oplan Tokhang at iba pang anti-drug operations.
Para sa mga Pro-Marcos loyalists, ang desisyon ng ICC laban kay dating Pangulong Duterte ay tagumpay ng batas at katarungan.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento