Ipinahayag ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Atty. Claire Castro ang kanyang lungkot at pagkadismaya sa patuloy na mga batikos na tinatanggap ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. mula sa ilang sektor ng lipunan. Ayon kay Castro, sa halip na kilalanin ang mga ginagawang hakbang ng Pangulo para protektahan ang bansa at palakasin ang ekonomiya, mas pinipili pa umano ng ilan na kutyain at maliitin ang kanyang mga desisyon.
“Masakit sa akin bilang opisyal ng gobyerno na makita kung paano pinupuna ng ilan ang bawat kilos ng Pangulo. Habang siya ay abala sa pagsisikap na maitaguyod ang karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea, ang iba, pinagtatawanan pa siya” - Atty. Claire Castro
Ipinunto ni Castro na hindi nakikita ng marami ang mga aktwal na hakbang na ginagawa ni Pangulong Marcos sa likod ng mga isyu. Aniya, habang tahimik na kumikilos ang pamahalaan upang mapanatili ang diplomasya at seguridad ng bansa, mas pinapansin ng ilan ang mga negatibong espekulasyon at memes sa social media.
Ayon kay Castro, bawat desisyong ginagawa ni Marcos ay hindi para sa pansariling interes, kundi para sa kapakanan ng buong bansa.
Sa kabila ng mga batikos, nananatiling buo ang pagtitiwala ni Atty. Claire Castro kay Pangulong Marcos. Para sa kanya, ang mga puna ay hindi dapat maging sagabal sa pagkakaisa, kundi maging paalala na kailangang magtulungan ang pamahalaan at mamamayan.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento