Advertisement

Responsive Advertisement

POSSIBLING HABANG BUHAY NA PAGKAKULONG, ICC TULUYAN NANG BINASURA ANG INTERIM RELEASE NI DATING PANGULONG DUTERTE

Biyernes, Nobyembre 28, 2025

 



Tuloy-tuloy ang pagdinig sa kaso ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa International Criminal Court (ICC) matapos ibasura ng Appeals Chamber ngayong Biyernes, Nobyembre 29, 2025, ang hiling ng kampo ni Duterte para sa interim release o pansamantalang kalayaan.


Ayon sa desisyon ng ICC, walang sapat na basehan ang apela ng dating pangulo upang bigyan siya ng pansamantalang kalayaan habang nagpapatuloy ang paglilitis kaugnay ng mga kasong may kinalaman sa drug war killings noong kanyang administrasyon.


“The Appeals Chamber finds no sufficient legal or humanitarian grounds to justify the interim release of former President Rodrigo Duterte. The motion is hereby denied,” - ICC Official Statement


Sa kasalukuyan, nananatiling nakakulong si Duterte sa The Hague, Netherlands, kung saan siya isinailalim sa kustodiya matapos maglabas ng warrant of arrest ang ICC dahil sa mga kasong crimes against humanity na may kinalaman sa libu-libong napatay sa ilalim ng Oplan Tokhang. Ayon sa ICC, walang ipinakitang bagong ebidensya o kondisyon na magbibigay-daan para mapalaya ang dating pangulo kahit pansamantala.


Ang desisyon ng International Criminal Court na ibasura ang apela ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ay isa na namang mahalagang yugto sa kasaysayan ng hustisya sa bansa.


Habang nagpapatuloy ang paglilitis, nananatiling hati ang opinyon ng publiko ang ilan ay nakikiisa sa mga biktima ng drug war, habang ang iba naman ay patuloy na naninindigan sa paniniwalang inosente si Duterte.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento