Isang mainit na pahayag ang inilabas ni Cavite Congressman Elpidio Barzaga Jr. matapos ibasura ng International Criminal Court (ICC) ang apela ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte para sa pansamantalang kalayaan o interim release. Ayon sa mambabatas, naniniwala siyang may impluwensya si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa naging desisyon ng ICC.
“Hindi talaga papayag si President Marcos na makauwi si President Duterte. Para sa akin, malinaw na may political maneuvering sa likod ng desisyong ito,” - Cong. Elpidio Barzaga Jr.
Sa matapang na pahayag, sinabi pa ni Barzaga na tila plano ng kasalukuyang administrasyon na hindi na makabalik ng Pilipinas si Duterte. Giit niya, ang dating pangulo ay dapat magkaroon ng makataong konsiderasyon, lalo na’t may edad na ito at may mga iniindang karamdaman.
Dagdag pa ni Barzaga, hindi umano maitatanggi na may personal at pampulitikang motibo sa pagitan ng kampo ni Marcos at Duterte.
Ayon sa kanya, simula pa lamang ng tensyon sa pagitan ng dalawang pamilya, tila nagkaroon na ng malamig na relasyon na ngayon ay lumala matapos ang pagkakadakip kay Duterte.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento