Advertisement

Responsive Advertisement

"3 TAON PA LANG SIYA NAKAUPO, RAMDAM MO NA AGAD ANG RESULTA" LARRY GADON BILIB SA PAMUMUNO NI PANGULONG MARCOS MAY MALINAW NA DIREKSYON ANG BANSA

Biyernes, Nobyembre 28, 2025

 



Nagpahayag ng matinding paghanga si Presidential Adviser for Poverty Alleviation Atty. Larry Gadon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., dahil aniya, sa loob lamang ng tatlong taon ng kanyang panunungkulan, malaki na ang ipinagbago ng ekonomiya at kalidad ng pamumuhay ng mga Pilipino.


Ayon kay Gadon, malinaw na makikita ang passion, dedication, at commitment ng Pangulo sa paglilingkod. Sa kanyang obserbasyon, “halos wala na siyang nakikitang nagugutom o naghihirap na Pilipino” dahil sa mga programang nakatuon sa trabaho, agrikultura, at murang bilihin.


“Tatlong taon pa lang siyang nakaupo, pero ramdam mo na agad ang epekto ng kanyang mga polisiya. Ang ekonomiya tumataas, mas maraming trabaho, at mas disiplinado na ang mga ahensya ng gobyerno. Makikita mo talaga ‘yung puso ni Pangulong Marcos sa paglilingkod,” -Atty. Larry Gadon 


Ipinunto ni Gadon na ang Pilipinas ngayon ay may malinaw na direksyon sa ekonomiya sa ilalim ng administrasyon ni Marcos. Aniya, kahit may mga panlabas na hamon gaya ng inflation at global market shifts, nakakabawi pa rin ang bansa dahil sa matalinong pamumuno ng Pangulo.


Sa mga pahayag ni Atty. Larry Gadon, malinaw ang kanyang paniniwala na ang pamumuno ni Pangulong Marcos ay nagdudulot ng positibong pagbabago sa bansa.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento